Minsan naiisip kong ang buhay ko ay komporme sa madla...
Naaayon sa normal...
Parang ang hugis ay kahon...
Buhay de Kahon...
Maraming nagsasabi na ang buhay ay sadyang mahirap....
May narinig rin ako mula sa palabas sa telebisyon...simple man o marangyang buhay ang iyong naiisin upang sumaya ka, parehong mahirap paring maabot...
Kaya naisip kong abutin ang aking pangarap, mahirap man ang landas...ay pilit ko paring tatahakin.
Marami man ang humadlang....Tumutol man ang madla...kumulog man or kumidlat...harangan man ng sibat...ipinagpilitan ko pa rin ang gusto ko...
Marami akong naranasang hirap...lahat naman ng tao'y dumaan sa hirap...
Marami akong sinakripisyo at ipinagpalit upang makamit lamang ang inaasam asam...
Ngunit minsan natutulala ako...at madalas itong mangyari lalo na pag nagiisa...kung tama ba ang mga ginawa ko?
Sapat bang ipinagpalit kong buhay para sa isang engrandeng buhay...
Tama bang iniwan ko at kinalimutan ko ang mga bagay sa buhay ko upang marating lamang ang dulong hinahabol ko....
Sabi ng karamihan ay oo, sa tingin nilang ang bagong daan ng aking buhay ay patungo sa ikararangal at ikauunlad ko....
Sabi ng ilan ay hindi, dapat ay nakuntento na ako sa buhay na kaya kong makamtam sa nakalipas kong pagkakataon...
Ang sabi ko nama'y hindi ko alam...ayokong isipin...ayokong magsisi...ayokong manghinayang...
Pero sa totoo'y may pagaalinlangan ako...hanggang sa kasalukuyan...
Ngunit ang tanging iniisip ko ay SAYANG...
Sayang ang hirap at pagod ng aking Ina sa pag papaaral niya sa akin...
Sayang ang pagod, puyat, hinagpis, sama ng loob, at kung ano anong sakit na dulot ng pagpili sa buhay na ito...
Akala ng mga tao'y masaya ang buhay ko...ngunit minsan gusto ko silang imbitahan na sumali sa aking mundo upang maintindihan nila ang aking mundo...
Ang aking buhay ay parang de kahon...
Maaaring mukhang masaya...matatalino ang mga tao sa mundo ko....kaya walan puwang ang pagkakamali....
Ngunit ito'y kahalintulad sa isang kahong de papel....iba't iba ng kula'y, desenyo, o, laki...
Ngunit parepareho pa ring KAHON...
Minsan naitanong sa aking ng aking Ina nung minsan akoĆ½ nalungkot...Kung ganyan pa lamang kaliit ang problema mo ay sobrang naghihinagpis ka na riyan...
Ang sabi ko...Problema ba iyon? pag hindi ko na kaya, e di magpapalit na ako ng buhay...
Natawa lang kaming magina...
Ngunit alam kong maaari ko tong gawin pag hindi ko na kaya...
Ang buhay ko ay parang de kahon....
Kailangan kumporme sa kagustuhan ng nakararami....
Ang sabi ko....kaunting tiis na lang...at ikaw na ang susunod na makakamit ng pangarap...
Sana sa dulo ng lahat ito, ay may landas na hindi ko pagsisisisihan....
Sana sa susunod ay di na kahon ang hugis...
Sana sa susunod ay mapili ko ang simpleng buhay ngunit masaya....
Ang klase ng buhay na hindi ko kailangan maghirap ang kalooban ko ng ganito...
nakarelate ako sa post na to. oo nga naman, parang de kahon na talaga ang buhay. hindi ito ang mundong pinangarap ko.
ReplyDeleteoo nga....pero pilit parin akong nakuntento at natuwa sa mga ibang ton ng buhay ko ..inisip ko na eto talaga ang nakalaan sa akin...ngunit minsan tingin ko ay ginagawa ko ito para lokohin ang sarili ko at sabihing okey ako...
ReplyDeleteang saklap naman ng post na ito.
ReplyDeletehttp://ficklecattle.blogspot.com/
@fickle cattle: haha;)) ganun ba?...medyo nga..naisulat ko kasi ito ng mga panahong magulo ang isip ko....
ReplyDeleteX-links tayo ha! ^_^