This is my sanctuary, a cave of my insights about law, life, lab, rants, ramblings, travels, experiences, and whatnot...
Thursday, June 14, 2012
Sunday, June 10, 2012
"Mamalas"
Sa aking sapantaha'y 'di inasahan,
Sa aking panaginip 'di man lamang inasam,
Na makatagpo ng tulad mong nilalang,
Nang mamalas ang tulad mong angat sa lipunan.
Unang pagdampi ng mata ko sa mala anghel mong mukha,
Kislap ng mga mata mo'y wari tala,
Ngiti mong nakakatunaw ng aking damdamin,
Sumambulat sa mundo kong madilim.
Bungad ng tinig mo sa aking pagbati,
Himig mo'y nanahan sa aking isip.
Hanap kong kapayapaan sa puso at diwa,
Wari'y di makamtan sa pagkabalisa sa galak.
*Caveat: I was force to expel this cheesy kind of poem to help someone for her assignment in a limited amount of time.
Thus, channeling all emotions available created a very raw and explicit words to create this words.
Hence, please do not associate this to anyone. ^_^
Subscribe to:
Posts (Atom)